REMOVE LOAD EXPIRATION ASAP- REVILLA
“Ang pera, walang expiration date. Bakit ang load, na pera ng consumer, nag-eexpire?”, asked Senate Committee on Public Services Chairman Senator Ramon Bong Revilla, Jr., in reaction to the National Telecommunications Commission’s (NTC) plan to remove the expiration dates on prepaid cellphone load.
As he expressed support to the measure, Revilla urged the NTC to implement it as soon as possible. “The NTC said it would take them no less than two months to decide. That’s too long. This is why I am writing the NTC as Chairman of the Committee on Public Services to ask them to submit their studies on the matter, and to expedite the process.”
Earlier this month, the NTC announced their intention to follow the Department of Trade and Industry’s (DTI) action to finally remove expiration dates on Gift Cheques and Gift Certificates, citing fairness and consumer welfare. In 2009, the NTC extended the periods of validity for prepaid cellphone credits depending on the value a consumer would load on his account. In addition to the extended expiry periods, the NTC ordered that unused credits in the previous top-ups would be added to new credits. The cumulative credits would then be the basis for the new validity period. Various consumer groups today are asking that the load validity periods be done away with totally.
“Pinag-iipunan ng ating mga kababayan ang pang-load sa cellphone. Tinitipid din nila ang paggamit nito para hindi agad maubos, tapos, basta-basta na lang mawawala dahil nag-expire na ang load. Hindi ito tama,” Revilla explained. “Pwede nating maintindihan kung para sa mga fixed-period promo yan, tulad ng call and text all you can, o kaya browse and surf all you can for one day, pero sa mga regular load, hindi dapat,” he added.
Aside from the expiration of cellphone load, the lawmaker also demanded from the NTC to urgently address other mobile phone related complaints. He cited the statement of the Cellphone Owners and Users of the Philippines (COUP) regarding “illegal” charges of networks which include those for unsolicited messages, spam, interrupted or dropped calls, missed calls, and failed messages.
Revilla also pointed out the results of a survey conducted by the Computer Professionals’ Union (CPU) that bared network access problems such as sending and receiving messages, and busy network on call attempts are still being experienced by mobile phone users. “In addition to this dilemma is the inaccurate billing. Mabibigla ka lang na mas mataas ang bill kaysa sa inaasahan mo. Puputulin ang linya kahit bayad ka na. Dapat resolbahin na ito ng mga telcos sa lalong madaling panahon,” he added.
The senator also asked the NTC to provide updates on the lowering of charges for text messaging and the implementation of pulse metering on calls, which would replace per-minute charging for calls with a new metering rate of per-six seconds.
Bilang suporta sa panawagan para sa transparency at accountability ng mga public officials, pumirma si Lakas ng Tao-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) President Senator Ramon Bong Revilla, Jr. ng waiver para sa buong paglalantad ng kanyang mga bank deposits, kabilang ang kanyang dollar account.
Sa ilalim ng waiver, maaring busisiin kaagad ng Ombudsman ang kanyang local at foreign financial accounts anumang oras, kahit walang abiso sa kanya, “Ang gagawin lang nila (Tanggapan ng Ombudsman) ay inpormahan ang bangko na gusto nilang bulatlatin ang aking account. No ifs or buts,” aniya.
Inamin ng mambabatas na hindi niya naisip na pumirma ng waiver noong kasassagan ng during the impeachment trial. “Nirerespeto natin ang ginawang pagbanggit ng ilan nating kasamahan sa kanilang explanatory statement na pipirma sila ng waiver. Tayo naman, noong mga huling araw ng paglilitis ay nakatuon sa ating magiging hatol. Sabi ko nga dati, isa ito sa mga matitinding desisyon sa aking buhay,“ paliwanag ni Revilla.
Ayon pa kay Revilla, matapos ang impeachment trial ay saka niya nakunsidera ang paglagda sa waiver. “Matapos ang paglilitis, umapela tayo sa ating mga kababayan at kapwa lingkod-bayan na tuluyan nang isara ang isyu ng impeachment trial at magtulungan para hilumin ang mga sugat n gating nakaraan at muling patibayin an gating mga institusyon. Doon ko lang napagtanto na ang waiver signing ay isang tamang hakbang para sumulong ang ating bansa. Gusto nating patunayan na sinsero tayo sa ating panawagan,“ wika niya.
Nagpahayag naman ng papuri ang senador sa pagpiirma ng waiver ng punong-hukom. “Para sa akin, ang unconditional waiver ay hindi isang hamon kundi isang inspirasyon. Kahit ano pa ang naging pinal na hatol, ang pagpirma niya nun ang kanyang magiging greatest legacy. Dapat gawin din ito ng lahat ng mga lingkod-bayan, halal man o appointed, anuman ang posisyon sa gobyerno,” ani Revilla, na dinagdag pang susuportahan niya ang anumang lehistradong panukala na mag-oobliga sa lahat ng mga pampublikong opisyal na ilabas ang lahat ng kanilang bank account, kahit ito pa ay dollar account.
Sinabi ni Revilla na isusumite niya ngayong linggo ang kanyang waiver sa Office of the Ombudsman at mga kaukulang banking institution.
“Ang pera, walang expiration date. Bakit ang load, na pera ng consumer, nag-eexpire?”, ito ang tanong ni Senate Committee on Public Services Chairman Senador Ramon Bong Revilla, Jr. bilang reaksyon sa plano ng National Telecommunications Commission’s (NTC) na tanggalin na ang expiration dates sa mga prepaid cellphone load.
Kasabay ng pagpapahayag niya ng suporta sa nasabing hakbang, iginiit ni Revilla sa NTC na ipatupad na ito sa lalong madaling panahon. “The NTC said it would take them no less than two months to decide. That’s too long. This is why I am writing the NTC as Chairman of the Committee on Public Services to ask them to submit their studies on the matter, and to expedite the process.”
Magugunitang ipinahayag kamakailan ng NTC na pag-aaralan nito ng pagtatanggal ng expiration dates sa mga prepaid cellphone load gaya ang pagtanggal ng Department of Trade and Industry (DTI) ng expiration dates sa mga Gift Cheques at Gift Certificates. Nauna rito, noong 2009 ay pinahaba ng NTC ang validity ng mga prepaid cellphone credits depende sa halaga ng ni-load. Bukod pa rito, inutos din noon ng NTC na idagdag ang mga hindi nagamit na load credits sa mga bagong load credits at ang suma-total na load credits ang siyang magiging basehan ng validity period. Hinihiling naman ngayon ng iba’t ibang consumer groups na tuluyang tanggalin na ang validity period ng mga load.
“Pinag-iipunan ng ating mga kababayan ang pang-load sa cellphone. Tinitipid din nila ang paggamit nito para hindi agad maubos, tapos, basta-basta na lang mawawala dahil nag-expire na ang load. Hindi ito tama,” paliwanag ni Revilla. “Pwede nating maintindihan kung para sa mga fixed-period promo yan, tulad ng call and text all you can, o kaya browse and surf all you can for one day, pero sa mga regular load, hindi dapat,” dagdag niya.
Bukod pa sa expiration ng cellphone load, binigyang-diin din ng mambabatas na dapat aksyunan agad ng NTC ang iba pang reklamo ng cellphone users. Tinukoy niya ang pahayag ng Cellphone Owners and Users of the Philippines (COUP) hinggil sa “illegal” charges ng mga network tulad ng unsolicited messages, spam, interrupted o dropped calls, missed calls, at failed messages.
Pinunto pa ni Revilla ang resulta ng isang survey ng Computer Professionals’ Union (CPU) na nagbunyag ng mga problema sa network access gaya ng sending at receiving messages, at network busy. “In addition to this dilemma is the inaccurate billing. Mabibigla ka lang na mas mataas ang bill kaysa sa inaasahan mo. Puputulin ang linya kahit bayad ka na. Dapat resolbahin na ito ng mga telcos sa lalong madaling panahon,” he added.
Inusisa rin ng senador ang NTC kung ano ang nangyari sa direktiba nitong ibaba ang halaga ng singil kada text at ang implementasyon ng pulse metering sa mga tawag, kung saan papalitan ang singill mula kada minuto ng kada anim na segundo.
|